ILOILO CITY — Arestado ang punong barangay ng Barangay Canawili sa Janiuay, Iloilo dahil sa pagmamay-ari ng PHP2.78 milyon halaga ng ilegal na droga sa isang operasyon noong Miyerkules, Enero 7, ayon sa Police Regional Office – Western Visayas (PRO-6) nitong Huwebes.
Ayon sa ulat, nakasama sa operasyon ang Iloilo Police Provincial Office Drug Enforcement Team 2, Provincial Intelligence Unit, at Janiuay Municipal Police Station.
Nasamsam mula sa 51-anyos na suspek, na kilala bilang Junjun, ang humigit-kumulang 410 gramo ng hinihinalang shabu at 8.2 gramo ng tuyong dahon ng marijuana.
Kasuhan siya sa paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“This operation sends a clear message that no one is above the law. Public officials are expected to be models of integrity, and we will act decisively against anyone who betrays public trust,” ani PRO-6 director Josefino Ligan.
Sinabi ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr. na nakakalungkot na sangkot ang isang barangay official, ngunit dagdag niya, “They should know that charges are aggravated if you are a barangay official. They have a higher penalty.”
Ayon kay Defensor, habang nagpapatuloy ang kampanya laban sa droga, may mga natatanggap pa ring suplay sa probinsya. Ipinahayag niya ang plano ng mga awtoridad na palakasin ang monitoring sa mga pantalan at paghusayin ang intelligence validation upang tugunan ang suliranin. Santi Celario