Home METRO P2.2M shabu, kush, baril at granada nakumpiska sa Olongapo

P2.2M shabu, kush, baril at granada nakumpiska sa Olongapo

637
0

MANILA, Philippines – Arestado ang isang indibidwal at nakumpiska ang nasa P2.2 milyong halaga ng iligal na droga, mga baril at granada sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay East Bajac-Bajac sa naturang lungsod.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., sa bisa ng Search Warrant na inisyu ng Korte, sinalakay at hinalughog ng mga operatiba Police Regional Special Operations Group 3- Regional Intelligence Division (RSOG3-RID) at Olongapo City Police ang bahay ng suspek sa naturang lugar.

Nakumpiska sa pag-iingat umano ng suspek ang nasa 305 grams ng suspected shabu na may standard drug price na P2,079,440, at 113 gramo ng Kush Marijuana na may halagang P169,500, drug paraphernalia at mga digital weighing scale.

Nasa kustodiya na ng pulisya ng ang nadakip na suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here