Home HOME BANNER STORY Higit 430K deboto namonitor sa Maynila sa #Nazareno2026

Higit 430K deboto namonitor sa Maynila sa #Nazareno2026

220
0
LIBO-LIBONG deboto ang dumalo sa isinasagawang Traslacion ng Poong Jesus Nazareno ngayong Biyernes, Enero 9. EDGAR RABULAN

MANILA, Philippines — Umabot na sa mahigit 439,000 deboto ang namonitor ng Philippine National Police (PNP) hanggang alas-10 ng umaga ng Biyernes, Enero 9, kaugnay ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.

Batay sa tala ng National Capital Region Police Office (NCRPO), pinakamaraming deboto ang namataan sa bahagi ng Taft-Ayala Boulevard hanggang Mercedes Street na umabot sa mahigit 321,000 katao, habang 48,000 naman ang nasa paligid ng Quiapo Church.

Samantala, kinumpirma ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na wala pang naitatala na anumang insidente habang isinasagawa ang Traslacion.

Habang papalapit ang andas sa Ayala Bridge, naglatag ng mga barikada ang Manila Police District upang mapanatili ang maayos na daloy ng prusisyon at maiwasan ang pagsisiksikan ng mga deboto.

Ayon kay Nartatez, pinaiiral ng pulisya ang maximum tolerance sa mga deboto basta’t nananatiling maayos at mapayapa ang kilos ng mga ito.

Ginagamit din ng PNP ang 28 CCTV camera na nakapuwesto sa kahabaan ng ruta ng Traslacion para sa real-time monitoring at mabilis na pagtugon sakaling may mangyaring hindi inaasahan.

Mahigit 18,000 pulis ang nakatalaga sa seguridad ng taunang kapistahan na dinadaluhan ng daan-libong deboto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here