Home NATIONWIDE NPC nakiramay sa pagpanaw ng photo journalist sa kasagsagan ng Traslacion

NPC nakiramay sa pagpanaw ng photo journalist sa kasagsagan ng Traslacion

243
0

MANILA, Philippines – TAOS-PUSONG pakikiramay ang ipinapaabot ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa biglaang pagpanaw ng Photojournalist na si Itoh Son sa kasagsagan ng kanyang coverage ng Traslacion 2026 sa Maynila Enero 9 ng umaga.

Nais ng NPC na ipaabot ang pakikiramay sa pamilya, kaibigan, at mga kasamahan ni Itoh Son, na isang batikang photo journalist sa pahayagang Saksi, makaraang sumakabilang-buhay ito matapos makaranas ng paninikip ng dibdib at atake sa puso sa kasagsagan ng kanyang coverage sa Quirino Grandstand sa mismong araw ng Traslacion ng Itim na Nazareno.

Ayon sa kanyang mga kasamahan, nakakaramdam na ito ng hindi magandang pakiramdam habang siya ay nag-cover ng “Pahalik” sa Poong Nazareno ngunit ito ay hindi niya ininda tanda ng kanyang dedikasyon sa trabaho at debosyon sa kanyang bilang isang maniniyut o mas kilala na “photo-journalist.

Ipinakita ni Itoh Son na kahit masama ang kanyang karamdaman ay kailangan niyang gampanan ang tawag ng tungkulin na isang katunayan ng kanyang pagmamahal sa trabaho at pagnanais na maipaabot ang mga kaganapan sa publiko.

Ito ay hindi matatawarang serbisyo bilang isang photojournalist na hindi alintana ang pansariling kalusugan magampanan lamang ang kanyang tungkulin sa pinaglilingkurang pahayagan at sa publiko.

Ang NPC sa gitna ng malungkot na pangyayaring ito, ay nananawagan sa ating mga kapatid sa hanapbuhay na bigyang pahalaga ang kanilang kalusugan upang mas lalo nating magampanan ng buong husay ang ating mga tungkulin sa publiko at sa ating pamilya.

Muli ang pamunuan ng National Press Club ay nagpapaabot ng taus-pusong pakikiramay sa lahat ng naulila ni Itoh Son. May he Rest in God’s Peace. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here