Home NATIONWIDE ₱500K ismagel na sigarilyo, nasabat sa Isabela

₱500K ismagel na sigarilyo, nasabat sa Isabela

344
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Halos mahigit ₱500,000.00 ang halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan City Police Station, Isabela Highway Patrol Group, at 2nd Isabela Mobile Force Company sa Barangay Alinam, Cauayan City, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PLtCol. Avelino Canceran Jr. hepe ng Cauayan City Police Station kay PCol. Manuel Bringas, Acting Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay naging matagumpay ang isinagawang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng isang lalaking suspek na 33-anyos, may asawa, technician at residente ng Purok 7, Barangay Rosario, Santiago City na kanyang minamaneho ang isang van na kargado ng nasabing mga illegal na sigarilyo.

Ang nakumpiska ay 25 kahon kung saan bawat kahon ay naglalaman ng tig-50 rim ng sigarilyo.

Pansamantala nasa Cauayan City Police Station ang suspek para sa karagdagang imbestigasyon, masusing dokumentasyon, at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Matandaan nitong mga nakalipas na buwan ay mayroon unang nakumpiska sa parehas na operasyon ng pulisya.

Napag-alaman na galing umano ang mga nasabat na sigarilyo sa probinsya ng Pampanga, Bulacan at Kalakhang Maynila. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here