Home HOME BANNER STORY 2 deboto patay sa Traslacion

2 deboto patay sa Traslacion

241
0

MANILA, Philippines – Dalawang deboto ang kumpirmadong patay sa kasagsagan ng Traslacion ng Poong Jesus Nazareno ngayong taon.

Sa press conference ngayong Sabado ng umaga, Enero 10, kinumpirma ni Nazareno 2026 spokesperson Fr. Robert Arellano na dalawa ang nasawi ng deboto.

“For the record, ito po ang conformed Records at this point in time,” ayon kay Fr. Arellano.

Aniya, may 1,700 mga kaso na tinugunan ng mga medical team kung saan kabilang rito ang dalawang kumpirmadong nasawi.

Wala pa aniya silang kumpletong detalye sa dalawang biktima.

“Then meron pa tayo isang journalist (na namatay). All in all, tatlo po,” sabi pa ni Fr. Arellano.

Gayunman, nilinaw niya na ang naturang photojournalist ay hindi direktang sangkot sa Traslacion.

Ayon pa kay Fr. Arellano, binabantayan nila ang 29 kaso ng mga deboto na nakaranas ng problema sa kalusugan sa kasagsagan ng Traslacion.

Humingi naman ng panalangin sa publiko si Fr. Ramon Jade Licuanan, parish priest at rector ng Quiapo church para sa ligtas na pagsasagawa ng Traslacion o prusisyon ng imahe ng Poong Jesus Nazareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here