MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan sa Luzon ang Northeast Monsoon o Amihan at shear line.
Ayon sa PAGASA, ngayong Sabado, Enero 10 ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Quezon, at Rizal dahil sa shear line.
Maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Nueva Ecija, at Bulacan, at bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains naman sa Metro Manila, Ilocos Region, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.
Samantala, easterlies ang makakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC