MAY 318 kongresman ngayon na bumubuo ng buong Kamara, ayon sa Comelec.
254 ang nakaupo bilang district congressmen habang 64 ang party-list.
May 269 na galing sa 19th Congress at nakabalik sila sa halalang 2025.
Noong 19th Congress, karamihan sa mga nakabalik ang ang bumuo ng 215 na pumirma sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Pagkatapos ng halalang 2025, may namatay at may hindi tumakbo sa mga pumirma kaya nabawasan sila ngunit karamihan sa mga ito ang nakabalik.
Sakaling matuloy ang nilulutong impeachment laban kay VP Sara ngayong Pebrero 2026, makaiipon din kaya ng malaking pirma ito para mapilitan ang Senado na buuin ang sarili bilang Impeachment Court at maglitis?
Kasabay ng pagluluto ng impeachment, may kumikilos para makulong ang mga senador na posibleng kakampi kay VP Sara, at kung makulong ang mga ito, hindi na sila makaboboto?
Ang pagkakasangkot ng ilang senador sa kabuuang P1.2 trilyong nakawan sa flood control program sa nakalipas na tatlong taon ng gobyernong Marcos ang idinadahilan para makulong ang mga ito.
Kaugnay nito, sinasabi namang karamihan sa mga nakabalik na kongresman ang sangkot din sa flood control scandal na pangunahing dahilan kung bakit dinesisyunan nilang hindi sila magsagawa ng imbestigasyon at hayaan na lang ang Senado na gagawa nito.,
Batay sa mga imbestigasyon, lumitaw na minimum na P1-2 bilyon bawat isang kongresman ang may flood control project samantalang umabot sa P5 bilyon hanggang P56 bilyon ang para sa mga pinakamakapangyarihan sa mga ito, kabilang na ang utak ng lumang impeachment at nakabalik sa pwesto.
Ang ibinibintang kay VP Sara na inabuso umanong confidential fund ay P125 milyon lang ngunit bilyon-bilyong piso ang kikbakan sa flood control projects ng mga kongresman, kasama ang P25B kikbak ng taga-Malakanyang umano.
Sa palagay ba ninyo, anghel ang mga kongresman at demonyo si VP Sara?





