Home HOME BANNER STORY Quiapo Church nanawagan ng panalangin sa ligtas na Traslacion

Quiapo Church nanawagan ng panalangin sa ligtas na Traslacion

208
0

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church ng panalangin para sa ligtas na pagpapatuloy ng Traslacion, kasunod ng pagkumpirma sa pagkamatay ng dalawang deboto habang isinasagawa ang prusisyon.

Ayon kay Quiapo Church rector Fr. Ramon Jade Licuanan, hiniling nila sa publiko na ipagdasal na huwag nang madagdagan ang bilang ng nasasawi at makabalik nang ligtas ang mga deboto sa kani-kanilang pamilya.

“So please, ilang oras pa bago makarating ‘yung ating andas (sa Quiapo Church). I would like to ask and appeal to everyone to say a little prayer na hindi na mag-increase ang casualties at makabalik ang andas sa simbahan, at most especially, makabalik ang mga deboto natin nang ligtas sa kani-kanilang pamilya, sa kani-kanilang tahanan,” ani Fr. Licuanan.

Kinumpirma naman ni Nazareno 2026 spokesperson Fr. Robert Arellano na dalawang deboto ang nasawi mula sa mahigit 1,700 health-related cases na naitala sa Traslacion.

“For the record, ito po ang confirmed records at this time point in time. We have 1,700 cases, two of which, it was confirmed, are death cases… Sila ay involved sa prusisyon.”

Bukod dito, isang photojournalist na si Itoh Son ang binawian din ng buhay habang nagko-cover ng Traslacion, subalit nilinaw ng simbahan na hindi ito direktang nasangkot sa prusisyon.

Ayon kay Fr. Arellano, 29 kaso ng mga debotong may seryosong karamdaman ang kasalukuyang mino-monitor ng simbahan habang nagpapatuloy ang prusisyon.

Binanggit din niya na bumabagal ang daloy ng Traslacion dahil sa pagsampa ng ilang deboto sa andas, sa kabila ng paalala na mahigpit itong ipinagbabawal.

Sa kabila nito, tiniyak ng simbahan na wala namang naitalang krimen habang isinasagawa ang Traslacion at nananatiling maayos ang kondisyon ng andas.

Patuloy na isinasagawa ang Traslacion hanggang sa oras ng paglalathala. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here