MANILA, Philippines – Mahigit 23,000 deboto ang lumahok sa lokal na selebrasyon ng Pista ng Jesus Nazareno sa Cagayan de Oro City nitong Biyernes, Enero 9.
Ang Traslacion ay nagsimula alas-5 ng umaga sa St. Augustine Metropolitan Cathedral.
Dumating naman ito sa Jesus Nazareno Parish, 7:11 ng umaga.
Sinabi ni Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Council – Incident Management Team Incident Commander Nick Jabagat na ang bilang ng mga lumahok ay mas mataas ngayong taon kumpara noong 2025.