Home ENTERTAINMENT Yasmien, pinuri sa pagiging anak!

Yasmien, pinuri sa pagiging anak!

270
0

Manila, Philippines – Now that she’s a mother hèrself ay napagtanto ni Yasmien Kurdi ang hirap at sakripisyo ng isang magulang sa kanyang anak.

Kaya naman it’s payback time for Yasmien to give back the love and support her mom has showered upon her all these years.

And what better way to show it than giving her mom a brandnew house?!

Isang three-storey spacious abode lang naman ang ipinundar ng Kapuso actress sa kanyang butihing ina.

Yasmien made sure na malapit din lang ito sa kanyang tinitirhan.

In fact, walking distance lang ang regalong bahay ni Yasmien sa kanyang ina–na kung matatandaan ay kinailangang sumailalim sa hemodialysis.

Her mom is suffering from CKD o chronic kidney disease.

Dahil ilang tumbling nga lang ang layo ng bahay ng kanyang ina from where she stays ay nakukuhang dalhan ito ni Yasmien ng inihahanda niyang pagkain.

Yasmien’s mom stays with her grandparents kaya may nakakasama naman ito sa bahay na napakalaki.

Bukod dito’y may kasambahay pang tumitingin sa kanyang ina, lalo na ang paglilinis ng bahay na ‘di na nito kakayanin.

By accident lang nalaman ng mga netizens that Yasmien has gifted her mom a house kung hindi pa niya ito ipinalinis sa isang professional house cleaner.

Inuulan naman ng papuri si Yasmien sa social media for being such a loving, caring daughter. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here