Home NATIONWIDE 3 pulis at babae patay sa kasamahang pulis

3 pulis at babae patay sa kasamahang pulis

217
0

NEGROS ORIENTAL- PATAY ang tatlong pulis kabilang chief of police at isang babae matapos silang pagbabarilin ng kabaro ng una, kagabi sa bayan ng Sibulan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Police Capt. Jose Edrohil Cimafranca, hepe ng Sibulan Municipal Police Station; Police Senior Master Sgt. Tristan Chua; at Patrolman Rey Albert Temblor, at isang babae na si si Sheila Mae Dinanao.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na kinilalang si Police Staff Sgt. Bonifacio Saycon, na isa ring miyembro ng Sibulan police station.

Batay sa report ng Sibulan MPS, bandang 9:35 PM Enero 9, 2026, unang binaril-patay ng suspek si Dinanao sa isang bar sa Barangay Tubtubon, ng naturang bayan.

Agad naman rumesponde ang grupo ni Cimafranca sa nasabing lugar at naabutan ang suspek dahilan para arestuhin ito.

Isinakay sa sasakyan ang suspek at habang patungo sa nasabing himpilan ng pulisya, bigla na lamang umanong pinagbabaril si Saycon sina Cimafranca na naging sanhi ng agaran nilang kamatayan saka tumakas.

Makalipas ang isang oras, sumuko si Saycon sa Tanjay City Police Station pati ang kanyang service firearm.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginagawang masusing imbestigasyon ng pulisya para malaman ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here