Home NATIONWIDE P105.7B PPP sa pagpapatayo ng 16K klasrum aprubado ng ED Council ni...

P105.7B PPP sa pagpapatayo ng 16K klasrum aprubado ng ED Council ni PBBM

225
0

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Economy and Development Council (ED Council) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P105.7-bilyong public-private partnership (PPP) project na layong tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan sa bansa.

Sa pahayag ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev), inaprubahan noong Enero 8, 2026 ang Public-Private Partnership for School Infrastructure Project Phase III (PSIP III) sa ilalim ng pamamahala ng Department of Education (DepEd).

Saklaw ng PSIP III ang pagtatayo ng 16,459 bagong silid-aralan sa 1,095 paaralan sa Luzon mula Marso 2027 hanggang Marso 2028, na inaasahang makikinabang ang mahigit 800,000 mag-aaral kada taon.

Ayon sa DEPDev, inaasahang bababa ang average class size mula 50 patungong 39 mag-aaral, na magbibigay-daan sa mas maayos na kapaligiran sa pagkatuto at paglipat ng maraming paaralan sa single-shift system.

Layunin din ng proyekto na pabilisin ang konstruksyon sa pamamagitan ng PPP Build-Lease-and-Transfer scheme, upang maiwasan ang pagkaantala sa tradisyunal na procurement. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here