Home NATIONWIDE Dalagita sa Bukidnon natagpuang patay at pinugutan; posibleng ginahasa

Dalagita sa Bukidnon natagpuang patay at pinugutan; posibleng ginahasa

246
0

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na dalagita ang natagpuang patay sa isang tubuhan sa Barangay Dagat, Valencia City, Bukidnon, matapos iulat ng pamilya na nawawala ito mula noong Enero 6.

Ayon sa ulat ng PRO-10, pauwi na umano mula sa paaralan ang biktima nang hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay.

Natagpuan ang kanyang katawan nitong Huwebes, na hiwalay ang ulo sa katawan.

Sinabi ni Police Major Joann Navarro, tagapagsalita ng PRO-10, na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang salarin at alamin kung pinagsamantalahan ang dalagita.

Batay sa paunang imbestigasyon, karaniwang dumaraan ang biktima sa naturang lugar tuwing uuwi mula sa eskuwelahan bandang 4:30 ng hapon.

Patuloy ang backtracking at forensic examination ng mga awtoridad upang mabuo ang kaso at matukoy ang mga responsable sa krimen. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here