Home HOME BANNER STORY Andas ng Poong Jesus Nazareno nakapasok na sa Dambana ng Quiapo

Andas ng Poong Jesus Nazareno nakapasok na sa Dambana ng Quiapo

318
0

MANILA, Philippines – Nakapasok na sa Dambana ng Quiapo Church ang andas ng Poong Jesus Nazareno matapos ang halos 31 oras na prusisyon mula Quirino Grandstand nitong Enero 9.

Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, umabot ng 30 oras at 50 minuto ang Traslacion ngayong umaga.

Ganap na nakabalik ang imahe ng Jesus Nazareno alas-10:50 ngayong umaga ng Sabado, Enero 10.

Kaninang umaga, bagamat nasa paligid na ng Quezon Boulevard ang andas ay medyo natagalan pa rin ang pag-usad dahil sa dami ng mga deboto na sumakay at lumapit sa prusisyon.

Pagpasok sa Vilalobos, bahagya ring natigil ang prusisyon dahil sa mga istardante sa harapan ng andas na ayaw namang umusad.

Ilang mga istardante ang kinailangang kumpiskahin dahil dito para mabigyang daan ang tuloy-tuloy na pag-usad ng andas pabalik ng Quiapo church.

Sa Plaza Miranda, tumulong na ang mga pulis sa mga deboto na itulak upang maisalya nang diretso papasok ng gate ng Simbahan ang andas.

Nagpasalamat naman si Fr. Ramon Jade Licuanan, parish priest at rector ng Quiapo church sa lahat ng mga nakibahagi, sa lahat ng volunteers at mga tumulong upang mapanatiling maging maayos at payapa ang pagdiriwang kasunod ng ibinigay ng pagbabasbas sa lahat ng nakiisa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here