Home NATIONWIDE Drilon: ICI patay na, dapat nang buwagin

Drilon: ICI patay na, dapat nang buwagin

217
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating Senate President Franklin Drilon na dapat nang buwagin ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil isa na lamang ang natitirang miyembro nito—ang chairman na si retired Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr.

Sa isang panayam, iginiit ni Drilon na malinaw umano ang intensyon ng Malacañang na buwagin ang ICI dahil wala itong itinalagang kapalit sa mga nagbitiw na komisyoner.

“Dahil di sila nag-aappoint ng kapalit. So talagang ang intention ay buwagin yung ICI,” ani Drilon.

Dagdag pa niya, “Sa akin wala nang silbi yang ICI na yan because of the inaction on the part of the President.”

Noong Disyembre 26, nagbitiw sa puwesto ang huling komisyoner na si Rossana Fajardo, matapos maunang umalis si Babes Singson noong Disyembre 15.

Ayon kay Drilon, hindi na lamang “lame-duck” ang ICI kundi tuluyan na itong walang silbi.
“It’s a dead body. It cannot function,” aniya.

Dagdag pa niya, “I cannot understand how they function when it’s just Justice Reyes.”

Tungkol naman sa imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects, sinabi ni Drilon na nasa hurisdiksyon ito ng Office of the Ombudsman, Department of Justice (DOJ), at Commission on Audit (COA); at rekomendasyon lamang ang papel ng ICI.

Nilinaw rin ni Drilon na maaaring buwagin ang ICI kahit wala pang batas ukol sa Independent People’s Commission (IPC). RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here