Home METRO 3 parak, 1 sibilyan dedo sa shoot-out sa NegOr

3 parak, 1 sibilyan dedo sa shoot-out sa NegOr

197
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Tatlong pulis at isang sibilyan ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Barangay Tubtubon, Sibulan, Negros Oriental noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa Negros Oriental Police Provincial Office, ang suspek ay isang police staff sergeant.

Sa unang insidente, ang suspek at tatlong pulis ay nasa isang establisyemento kasama ang isang babae.

Ayon sa imbestigasyon, binaril ng suspek ang babae nang maraming beses at namatay siya sa lugar.

Pagkatapos ng insidente, nakita ang suspek at mga pulis na sumasakay sa isang sasakyan.

Habang ino-escort ang suspek, naganap ang pangalawang pamamaril na ikinamatay ng mga arresting officer, kabilang ang hepe ng Sibulan Police Station, isang senior master sergeant, at isang patrolman.

Tumakas ang suspek ngunit kalaunan ay sumuko at pansamantalang dinetain sa Tanjay Police Station.

“A thorough investigation is ongoing to determine the full circumstances surrounding the incident, and appropriate legal actions will be taken,” ayon sa pulisya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here