Home METRO Tulak nasopresa nang arestuhin ng Rizal PDEU

Tulak nasopresa nang arestuhin ng Rizal PDEU

214
0

RIZAL, Philippines – Nasopresa ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot nang arestuhin ito ng Rizal Provincial Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation, makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng Php 204K pesos, kagabi sa Sitio AC Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Ang naarestong suspek ay nakilala sa Alyas Gido, nasa hustong gulang, residente  ng nabanggit na lugar ay dinala muna sa Amang Rodriguez Hospital para sumailalim sa Medical Examination bago umano ito tuluyang ikulong sa Rodriguez Municipal Police Station.

Base sa inisyal na report ng Rizal Provincial Office sa pamumuno ni PCol Feloteo A. Gonzalgo Provincial Director ng Rizal PPO, dakong alas-8:40 kagabi nang magsagawa ng buy- bust operation, matapos na makipag koordinasyon sa PDEA kung saan walang kamalay-malay ang suspek na ang katransaksyon nito ay mga awtoridad kaya hindi na nagawang makapalag ng suspek nang aktong arestuhin ito ng mga pulis.

Narekober sa suspek ang anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit kumulang sa 30 gramo ng hinihinalang shabu na may estimated street value na halagang Php 204,000.00, gayundin ang marked money na halagang 500 peso bill na  ginamit ng nagpanggap na poseur buyer. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here