APAYAO, Philippines – Patay sa Sitio Riverside, Barangay Swan, Pudtol, Apayao ang isang lalaki na umano’y nagbenta ng droga matapos maipit sa engkwentro buhat sa Anti-illegal drug buy bust operation.
Ang nasawi ay si Joevie Puddao Antonio na naitalang “SLI,” na residente ng Barangay Swan, Pudtol.
Naganap ang engkwentro ng maisakatuparan ang operasyon laban sa suspek sa pakikipag transaksyon nito sa isang pulis na umaktong bibili ng droga.
Naghinala umano ang suspek na may mga operatiba sa paligid kaya naman bumunot umano ito ng baril at itinutok ito sa nagpanggap na buyer na isang pulis na naiwasan naman nito at nagmitsa ng kaguluhan.
Sa palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at suspek tinamaan sa leeg at kanang bahagi ng dibdib at ibang bahagi ng kaniyang katawan na pinaghihinalaang sanhi ng kanyang kamatayan.
Narekober ang mga sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na humigit-kumulang 1.5 gramo at nagkakahalaga ng ₱10,200 kabilang ang isang kalibre 45 na baril at iba pang mga kagamitan. (REY VELASCO)