Home METRO Beachgoer sa Elyu, iniligtas ng PCG

Beachgoer sa Elyu, iniligtas ng PCG

192
0

LA UNION, Philippines – Nailigtas ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang 16 taong gulang na babae sa posibleng pagkalunod sa karagatan ng San Juan, La Union nitong Linggo.

Napansin umano ng tauhan ng PCG ang isang beachgoer na nagpupumilit na bumalik sa baybayin matapos na malampasan ng malakas na alon at agos.

Sa ulat ng PCG, residente pa ng Zaragoza, Nueva Ecija, ang dalaga.

Siya ay nahila ng mga 15 metro palayo sa dalampasigan.

Nagsagawa ang PCG team ng rescue operation gamit ang naaangkop na kagamitan sa pagsagip.

Binigyan ng atensyon medikal at sa pagsusuri ay walang nakitang mga sugat o abrasyon kaya agad siyang ibinigay sa kanyang pamilya na naroon sa lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here