Home TOP STORIES 192 utas sa malawakang protesta sa Iran

192 utas sa malawakang protesta sa Iran

260
0

IRAN – Hindi bababa sa 192 na demonstrador ang napatay sa Iran sa pinakamalaking kilusan laban sa Islamic Republic sa loob ng higit tatlong taon, ayon sa Iran Human Rights, habang lumalakas ang babala ng “massacre” sa mga nagpoprotesta.

Nagsimula ang protesta laban sa tumataas na presyo ng bilihin, ngunit ngayon ay lumalaban na rin ito sa teokratikong sistema sa bansa.

Sa kabila ng mahigit 60-oras na internet blackout, may mga video pa rin na nagpapakita ng malalaking demonstrasyon sa Tehran at ibang lungsod, at ilang sasakyan ay sinunog.

“A massacre is unfolding in Iran. The world must act now to prevent further loss of life,” ayon sa US-based Center for Human Rights in Iran, habang apektado na ang mga ospital at kulang ang dugo.

May ulat rin ng mga demonstrador na tinutukan sa mata bilang taktika ng seguridad.

US at Israel ay nagpakita ng suporta sa mga nagpoprotesta.

Sinabi ni Reza Pahlavi, anak ng dating shah, “Do not abandon the streets. My heart is with you.”

Si US President Donald Trump ay nagbanta ng aksyon kung tuloy ang pamamaril ng awtoridad, at iminungkahi ni Gideon Saar ng Israel na ideklara bilang “terrorist organization” ang Iran’s Revolutionary Guards Corps. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here