BULACAN, Philippines – Arestado ang drug suspect na nahulihan ng P476,000.00 halaga ng droga sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM) hapon ng Enero 10.
Sa ulat ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, kinilala ang High Value Individual (HVI) na suspek na si alyas “Toyang”.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng City Drug Enforcement Unit ng istasyon bandang 5:30 ng hapon sa Brgy. Graceville.
Nabatid na nagbenta ang target ng maliit na sachet ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer kapalit ang P500 kaya agad siyang inaresto ng mga pulis sa lugar.
Nakumpiska sa kanya ang kabuuang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P476,000.00 at marked money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 11, Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 habang nasa kustodiya ng istasyon. (Dick Mirasol III)