Home METRO Lalaking dayo, patay sa kawatan

Lalaking dayo, patay sa kawatan

205
0

TARLAC, Philippines – Tadtad ng saksak at wala ng buhay nang matagpuan ang lalaki sa loob ng sasakyan matapos pagsasaksakin at tangayin ang pera nitong pambili ng iti ng manok na pang-abono sa kanilang mga pananim na gulay sa La Trinidad Benguet, iniulat kahapon sa bayan ng Gerona.

Kinilala ang biktimang si Wilfred, nasa hustong gulang at taga La Trinidad Benguet.

Tinugis naman ng pulisya ang persons of interest na siyang huling kasama ng biktima subalit mabilis itong naglaho matapos ang krimen.

Batay sa report ng Gerona Municipal Police Station (MPS), bandang 7:40 AM nakatanggap sila ng report mula sa residente na natagpuan ang biktima na tadtad ng saksak sa katawan at likod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, madalas dumadayo ang biktima sa lugar para bumili ng mga abono sa pananim na gulay.

Kuwento ng ilang saksi, huli nilang nakita ang suspek na kasama ang biktima at nakipag-inuman pa.

Nadiskubre ng mga awtoridad na nawawala ang P60,000.00 na pambili ng mga abono ng biktima.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen. /Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here