ILOILO CITY, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos siyang kagatin at puluputan ng 11-foot na python sa Barangay Bolilao, Mandurriao, Iloilo City noong Enero 11 ng madaling araw.
Ayon sa mga residente, nagising sila sa malakas na tunog bandang 4:30 a.m. at natagpuan ang ahas na nakapulupot sa biktima na si Julius sa isang dike.
Tinulungan ng mga residente na palayain ang biktima, ngunit idineklara siyang patay ng emergency responders.
Sinabi ni Police Capt. Val Cambel na posibleng hindi nakita ng biktima ang python.
Matatagpuan malapit sa Bolilao Creek ang lugar, at ayon sa residente, madalas na lumabas ang mga ahas tuwing high tide.
Ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay ng tao dahil sa python sa Iloilo City. RNT/MND