MANILA, Philippines – Nagsagawa ng simultaneous clean-up activity sa lahat ng barangay sa Navotas bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng lungsod.
Nilahukan ito ng mga kawani ng pamahalaang lungsod at mga barangay, national agencies, street sweepers, estero rangers, Mutya ng Navotas 2026 candidates, at mga volunteers mula sa iba’t ibang grupo at organisasyon.