Home METRO P4.8-M marijuana plantation, winasak sa Benguet

P4.8-M marijuana plantation, winasak sa Benguet

209
0

BENGUET, Philippines – Winasak ng PNP noong nakaraang weekend ang isang marijuana plantation sa bundok ng Benguet, na nagkakahalaga ng P4.8 milyon.

Ayon sa PNP, 18,000 fully grown marijuana plants at 10 kilo ng dried marijuana stalks ang sinunog sa Sitio Dalipey, Tacadang, Kibungan, Benguet sa pamumuno ng 1st Benguet Provincial Mobile Force Company kasama ang PDEA.

Natuklasan din ng awtoridad ang anim na plantation sites at isang storage area sa communal forest na may sukat na 2,250 square meters.

Ani PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.: “Hindi lamang sa lungsod kundi pati sa malalayong lugar, patuloy ang PNP sa pagbabantay upang maprotektahan ang publiko… Ang mga komunidad sa Benguet ay panatag na alam na may nagbabantay at kumikilos laban sa ilegal na droga sa kanilang lugar.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here