Home NATIONWIDE Paglaban sa plastic pollution, isinusulong ng Japan

Paglaban sa plastic pollution, isinusulong ng Japan

299
0

JAPAN – Kinumpirma ng pamahalaan ng Japan ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa upang labanan ang lumalalang problema ng plastic pollution gamit ang agham at teknolohiya.

Ayon kay Ambassador Endo Kazuya, “Japan has supported the provision of equipment and human resource development for marine environmental monitoring related to plastic pollution.”

Dagdag niya, mahalaga ang pagpapalaganap ng marine monitoring at recycling technologies para epektibong labanan ang plastic pollution sa karagatan at suportahan ang posibleng future treaty.

Binanggit din ng Japan ang papel ng nuclear science sa pagtugon sa global challenges, kabilang ang plastic pollution, sa pamamagitan ng mas tumpak na datos at pagpapabuti ng recycling at reuse systems.

Ani Endo, kailangan ang “strong international framework through global cooperation.”

Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ang ikatlong pinakamalaking contributor ng plastic pollution sa mundo, na may tinatayang 0.75 milyong metric tons ng mismanaged plastic bawat taon.

BAN Toxics naman sinabi na ang bansa ay net importer ng plastics, na may 1.98 milyong tons ng plastic materials at produkto noong 2021.

Noong nakaraang taon, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos ang paggamit ng nuclear science sa pag-convert ng plastic waste sa matibay at commercial na construction materials. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here