Home NATIONWIDE Kalusugan ni Duterte lumalala; kampo humiling ng pagsusuri sa detensyon sa ICC

Kalusugan ni Duterte lumalala; kampo humiling ng pagsusuri sa detensyon sa ICC

240
0

MANILA, Philippines – Ayon sa mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, lumala na ang kanyang pisikal at cognitive condition, kaya dapat muling suriin ang kanyang detention sa International Criminal Court (ICC).

Sa filing noong Enero 9, sinabi ng defense counsel na si Nicholas Kaufman na si Duterte ay “an emaciated, infirm and incapacitated shadow of his former self,” at hindi na kayang mag-function araw-araw nang walang tulong.

Ayon sa kanila, ang court-appointed experts ay sumang-ayon na siya ay “old, frail, and suffering from ‘unexplained weight loss.’”

Dagdag ni Kaufman, ang cognitive decline ni Duterte ay “constitutes a new fact that must now be considered” at ang mga risks para sa detention, kabilang ang flight risk, ay hindi na makakabuo sa kasalukuyang kalagayan ng dating pangulo.

Binanggit rin niya na isang ICC member state ay handang tumanggap kay Duterte kung papayagan siyang interim release sa ilalim ng mahigpit na kondisyon.

Sinabi naman ng Office of the Prosecutor na nananatiling may batayan ang detention, at wala pang desisyon ang Pre-Trial Chamber sa filing noong Enero 9.

Si Duterte ay inaresto noong Marso ng nakaraang taon kaugnay ng ICC case sa umano’y crimes against humanity sa anti-drug campaign mula 2016–2019, at tinanggihan na rin ang kanyang mga naunang requests para sa interim release. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here