Home NATIONWIDE Mag-ama sugatan sa pagsabog ng gasul sa Bulacan

Mag-ama sugatan sa pagsabog ng gasul sa Bulacan

245
0

Bulacan – Sugatan ang dalawang indibiduwal nang masabugan umano ng gasul sa bayan ng Calumpit nitong gabi ng Linggo, Enero 11.

Sa ulat ng rescue team, isang lalaki at isang babae ang naging biktima, residente ng Brgy. San Jose.

Ayon sa ulat, nagkalapnos-lapnos ang mga biktima sa pagsabog na posibleng umabot sa 2nd degree hanggang 2rd degree burn.

Dahil dito, agad dinala ng mga rumespondeng rescue team ang mga biktima sa Bulacan Medical Center para paunang lunas.

Sinasabing may pagka-kulob ang bahay kaya hindi nakalabas ang gas kaya aksidenteng sumabog at sa sobrang lakas ay naramdaman din ang pagyanig sa kalapit na barangay.

Sinusulat ito, posibleng mag-ama ang mga biktima dahil isang netizen ang nagsabi sa Facebook post na nag-viral patungkol dito na kapatid niya ang lalaki at pamangkin naman ang babaeng biktima. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here