Home NATIONWIDE Kaanak ng mga biktima nanawagan, mga opisyal ng Prime Waste Solution panagutin...

Kaanak ng mga biktima nanawagan, mga opisyal ng Prime Waste Solution panagutin sa Binaliw tragedy

264
0

MANILA, Philippines – NANANAWAGAN ang mga kaanak ng biktima ng Binaliw Tragedy na huwag pabayaang mawalan ng saysay at mabaon na lang sa limot ang pagkamatay ng kanilang mga kaanak.

Itoy matapos kunin ang atensyon ng pamahalaan na agapan ang mga opisyal ng Prime Waste Solution na anila’y nagpabaya kaya napahamak ang kanilang mga tauhan.

Unang binanggit ng mga kaanak ang Presidente ng kompanya na si Kara Peralta, ang umanoy Indian National na technical manager na si Paul Puthenpurekal, ang General Manager na si Niño Abellana at opisyal nito na si James Flores na head of operations.

Isa pang opisyal ng Prime Waste Solution na pinananagot ng mga kaanak si Kevin Siao na nagbigay ng paniguro sa mga tao na “perfectly safe at perfectly fine” umano ang naturang tapunan ng basura bago pa mangyari ang trahedya.

Nabatid mula isang mapagkakatiwalaang source na pawang mga walang karanasan sa pagpapatakbo ng tapunan ng basura ang mga naturang opisyal kaya nangyari ang trahedya.

Sa isinagawang panayam ng Remate sa isang eksperto sa sanitary landfill na tumangging ipabanggit ang pangalan, sinabi nito na kapansin-pansin na mismong sa paanan ng bundok ng basura makikita ang dalawang palapag na opisina ng mga naging biktima kaya ito ang unang tinamaan nang gumuho ang bundok ng basura.

Kapansin-pansin din umano na purong basura ang gumuho dahil hindi man lang umano ginamitan ng clay soil na nagsisilbing panambak sa ibabaw ng basura ng mga sanitary landfill, kaya masasabi niyang isa itong dumpsite at hindi sanitary landfill.

Sa kasalukuyan, mas malaking problema ang kinatatakutan ng Cebu dahil wala na umanong pagtatapunan ng basura ang siyudad at nga iba pang karatig-probinsiya nito na nagtatapon din sa Binaliw.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here