Home NATIONWIDE Wanted sa pagpatay arestado sa Bulacan

Wanted sa pagpatay arestado sa Bulacan

221
0

BULACAN- Nahulog sa kamay ng mga awtoridad ang isang Most Wanted Person na sangkot kaso ng pagpatay matapos matunton ito at masukol sa ikinasang manhunt operation ng pulisya nitong linggo ng tanghali sa Barangay Sulivan, Baliwag City.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Roffer,” 28 anyos, residente sa naturang lugar na akusado sa kasong Murder at Top Most Wanted Person City Level.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Korte kung saan walang inirekomendang piyansa ang Korte laban dito.

Nasa kustodiya na nang pulisya ang naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here