Home NATIONWIDE Publiko hinikayat ng DOH na magpabakuna nang libre vs iba’t ibang uri...

Publiko hinikayat ng DOH na magpabakuna nang libre vs iba’t ibang uri ng sakit

246
0

MANILA, Philippines – Muling hinikayat ng Department of Health ang publiko na magpabakuna upang maiwasan ang mga sakit na maaring maiwasan na binigyang-diin na ang pagbabakuna ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang maprotektahan laban sa malalang sakit at kamatayan.

Sa isang abiso ng DOH, maaaring makakuha ng mga sumusunod na bakuna nang libre sa mga Health centers at DOH-Bagong Urgent Care and Ambulatory Service (BUCAS) centers sa buong bansa.

Edad 0–12 buwan:

BCG vaccine (against tuberculosis)

Hepatitis B vaccine

Pentavalent vaccine

Oral Polio Vaccine (OPV)

Inactivated Polio Vaccine (IPV)

Pneumococcal Conjugate Vaccine (PCV)

Measles, Mumps, Rubella (MMR) vaccine

School-age children (9–14 years old):

Grade 1 and Grade 7: Measles-Rubella (MR) at Tetanus-Diphtheria (Td) vaccines

Grade 4 girls: Human Papillomavirus (HPV) vaccine

Pregnant women:

Tetanus-Diphtheria (Td) vaccine

Senior citizens (60 taong gulang pataas):

Influenza vaccine

Pneumococcal vaccine

Sinabi ng DOH na ang mga bakuna ng ito ay napatunayang ligtas at epektibo para hindi ma ospital at maiwasan ang nakamamatay na mga sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here