Home METRO Mga residente sa paligid ng Mayon, nakaalerto sa posibleng Alert Level 4

Mga residente sa paligid ng Mayon, nakaalerto sa posibleng Alert Level 4

198
0

ALBAY, Philippines – Nakaalerto ang mga residente sa loob ng 7 hanggang 8 kilometrong extended danger zone ng Bulkang Mayon sakaling itaas ng PHIVOLCS ang alert status nito sa Alert Level 4.

Naglagay na ng checkpoint sa Sto. Domingo, Albay upang agad na maabisuhan ang mga residente kung ipatutupad na ang Alert Level 4, na nangangahulugang maaaring sumabog anumang oras ang bulkan at palawakin ang danger zone hanggang 10 kilometro o higit pa.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon matapos makapagtala ang PHIVOLCS ng pagtaas ng seismic energy at patuloy na paglabas ng pyroclastic density currents o “uson.”

Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, posible ang magma recharge sa bulkan at maaaring magpatuloy ang mga aktibidad tulad ng rockfall at uson.

Tinatayang 70,000 residente ang ililikas kung itataas sa Alert Level 4 ang status.

Ayon kay Albay Governor Noel Rosal, naghahanda na ang lalawigan ng mga sasakyang gagamitin sa agarang paglikas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here