Home METRO Luzon uulanin sa 3 weather systems

Luzon uulanin sa 3 weather systems

206
0

MANILA, Philippines – Tatlong weather systems ang magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ngayong Martes, ayon sa PAGASA.

Ayon sa ahensya, magdadala ang shear line ng maulap na panahon at ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon.

Ang easterlies naman ang magpapaulan sa Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.

Samantala, ang natitirang bahagi ng Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay makararanas ng maulap na kalangitan at mahihinang ulan dahil sa northeast monsoon o amihan.

“Naapektuhan din ng northeast monsoon ang buong Ilocos region at nalalabing bahagi pa ng Central Luzon na magkakaroon ng bahagyang mauulap hanggang sa mauulap na kalangitan at pulo-pulong pagulan,” ayon kay PAGASA weather specialist Charmagne Varilla.

Dagdag pa niya, “Dito sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila, umiiral naman ang easterlies na magdudulot ng mga pulo-pulong pagulan pagkidlat at pagkulog.”

Mas maganda naman ang panahon sa Palawan, Visayas at Mindanao, bagamat posible pa rin ang panaka-nakang ulan at thunderstorms lalo na sa hapon at gabi.

Nagtaas din ng gale warning ang PAGASA sa ilang baybaying-dagat sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Polillo Islands at Ilocos Norte, kung saan inaasahan ang alon na may taas na 2.8 hanggang 4.5 metro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here