Home NATIONWIDE Walang Pilipinong apektado sa protesta sa Iran — DFA

Walang Pilipinong apektado sa protesta sa Iran — DFA

271
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine Embassy sa Tehran na wala pang Pilipinong naapektuhan sa patuloy na madugong protesta sa Iran.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), may humigit-kumulang 823 Pilipino sa Iran, at karamihan sa kanila ay permanent residents na asawa o anak ng mga Iranian nationals.

“As of this writing, there have been no reports of any Filipino who have been affected in the protests in Iran,” pahayag ng DFA noong Lunes ng gabi, Enero 12.

Nagsimula ang malawakang protesta noong Disyembre 28 matapos pumalo sa rekord ang inflation sa Iran, na lalo pang nagpalala sa krisis pang-ekonomiya ng bansa.

Mula sa Tehran, kumalat ang mga kilos-protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa mahihirap na lugar, na sinabayan ng internet shutdown at marahas na pagtugon ng gobyerno.

Hanggang Enero 10, 2026, iniulat ng Iranian media na hindi bababa sa 2,000 katao ang nasawi matapos umanong gumamit ng bala ang mga puwersang panseguridad upang dispersahin ang mga nagpoprotesta.

“The Philippine Embassy in Tehran continues to remind Filipinos in Iran to stay alert and minimize their movements,” ayon pa sa DFA. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here