ALBAY, Philippines – Tiniyak ng 9th Infantry Division (9ID) ang patuloy na tulong sa publiko at mga lokal na pamahalaan habang nagpapatuloy ang pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Sa isang press briefing noong Lunes, sinabi ni Brig. Gen. Ariel Reyes, assistant commander ng 9ID at pinuno ng Task Force Sagip, na mahigit 500 sundalo ang naka-deploy upang magbigay ng Humanitarian Assistance and Disaster Response (HADR) sa mga apektadong bayan sa Albay.
“Our HADR component of the 9ID is now focused on assisting the province of Albay regarding security and relief operations for affected municipalities with evacuations. Our 35 teams are assisting around 4,000-plus individuals. These are some of the mandates of Task Force Sagip,” ayon kay Reyes.
Dagdag niya, handa ang 9ID na magdagdag ng tauhan sakaling itaas sa Alert Level 4 ang Mayon, at tiniyak ang suporta sa manpower, logistics, at transportasyon para sa LGUs at Office of Civil Defense.
Sa kabila ng disaster response, sinabi ni Reyes na nagpapatuloy pa rin ang operasyon ng militar laban sa insurgency sa mga hindi apektadong lugar. RNT/MND