Home NATIONWIDE 109 pulis pumasa sa 2025 Bar Exams — PNP

109 pulis pumasa sa 2025 Bar Exams — PNP

260
0

MANILA, Philippines – Kabuuang 109 pulis ang pumasa sa 2025 Bar Examinations, ayon sa resulta na inilabas noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., isang karangalan ito para sa buong organisasyon ng pulisya.

“This is a proud moment for the entire PNP,” ani Nartatez sa isang pahayag noong Lunes.

Dagdag niya, hindi madaling makapasa sa Bar dahil nangangailangan ito ng matinding sakripisyo, disiplina, at determinasyon—lalo na para sa mga pulis na patuloy na nagsisilbi sa publiko habang nag-aaral.

“Passing the Bar is no small feat — it requires years of sacrifice, focus, and determination. That our police officers achieved this while serving the public makes it even more meaningful.”

Sinabi rin ni Nartatez na ang tagumpay ng mga pulis ay patunay ng patuloy na reforma at propesyonalisasyon ng PNP, lalo na sa pagpapatupad ng due process, karapatang pantao, at hustisya.

“Hindi lang kayo basta abogado ngayon — kayo ay abogado ng bayan at tagapaglingkod ng batas (You are not just lawyers now — you are lawyers for the people and servants of the law). You bring deeper legal expertise to the PNP, helping us serve with greater integrity and credibility,” aniya.

Sa kabuuang 11,420 examinees na nakatapos ng tatlong araw ng pagsusulit, 5,594 ang pumasa sa Bar Exams ngayong taon, na may national passing rate na 48.98 porsiyento.

Ang Bar Examinations ay itinuturing na isa sa pinakamahirap na pagsusulit sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here