Home METRO Bukidnon target maging “Arabica Capital” ng Pilipinas

Bukidnon target maging “Arabica Capital” ng Pilipinas

270
0

BUKIDNON, Philippines – Patuloy na palalakasin ng lalawigan ng Bukidnon ang industriya ng kape sa 2026, na itinuturing na pangunahing pinanggagalingan ng kabuhayan, na may layuning maging Arabica capital ng Pilipinas.

Sa ilalim ng isang 10-taong plano, target ng lalawigan na palawakin ang taniman ng Arabica coffee sa mahigit 10,000 ektarya pagsapit ng 2035.

Ayon kay Governor Rogelio Neil Roque, mahalagang bahagi ng plano ng pamahalaang panlalawigan ang Bukidnon Coffee Roadmap para sa pagpapalawak ng kabuhayan at pangmatagalang paglago.

“The roadmap is not just a document. It is a path toward livelihood expansion, farmer empowerment, international recognition and sustainable economic growth,” pahayag ni Roque sa isang convocation speech.

Nakatuon ang roadmap sa mas matibay na suporta sa mga magsasaka, pagpapabuti ng kalidad ng coffee beans sa pamamagitan ng pagsasanay at post-harvest facilities, at pagpapalawak ng access sa merkado upang madagdagan ang kita.

Layunin din ng plano na gawing pangunahing producer ng high-value Arabica coffee ang Bukidnon sa pamamagitan ng organisadong pag-unlad at value-adding processes tulad ng pag-roast at pag-giling ng kape. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here