Home OPINION PINOY SA ABROAD PROTEKTAHAN

PINOY SA ABROAD PROTEKTAHAN

289
0

NAGKAKAGULO ngayon sa iba’t ibang bansa at maaaring ikapahamak ng maraming Pinoy.

Ano-ano na ang ginagawa ng pamahalaan para protektahan o iligtas ang mga Pinoy na nasa gitna ng kaguluhan?

IRAN, 160-500 PATAY; 2,500 DINAKIP

Sa Iran, sinusubukang patumbahin ng United States at Israel ang pamahalaang Iran at itayo ang gobyernong hawak nila sa pamamagitan ng pagbabalik ng lahi ni Mohammad Reza Pahlavi na kung tawagin noon ay Hari o Shah of Iran.

Panay-panay ang rali ng mga suporter ng Shah na kinakatawan ng kanyang anak na si Reza Pahlavi na nasa destierro ngayon sa United States.

Dahil sa mga rally, lalo na Tehran, nasa 150-500 na ang patay habang nasa 2,500 na ang ibinilanggo.

Nasa ilalim ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ang Iran at mahigpit ang kontrol nito sa gobyerno.

Nagpasok na umano ang gobyerno ni US President Donald Trump ng mga pwersa nito upang dakpin o patayin si Khameini o iba pang matataas na opisyal at italaga agad si Pahlavi bilang pinuno.

Tiyak na matinding gulo ito.

May 1,180 Pinoy sa Iran.

IRAN VS ISRAEL, US

Dahil sa pakikialam ng US sa Iran, nagbabanta ang Iran na magsagawa ito ng mga pag-atake sa mga pwersa ng US at sa Israel na sumusuporta rin sa mga rali..

Kumikilos naman ang mga pwersang militar ng Russia at China na nasa Middle East, kasama ang Strait of Hormuz, para suportahan ang kasalukuyang pamahalaang Islam.

Partikular sa Israel, may mahigit sa 30,000 ang Pinoy rito na kailangang protektahan sa muling pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng US at Israel.

Hindi na biro-biro ang kakayahan ng Iran na maglunsad ng mga pamatay na armas na posibleng ikapahamak ng mga Pinoy.

Nitong nakaraang digmaan, may mga nasawing Pinoy sa labanan at maaaring maulit ang pangyayari.

Maaaring mapahamak din ang mga Pinoy sa mga kalapit na bansa na madadamay sa digmaan.

US VS VENEZUELA

Makaraang kidnapin ng mga Amerikano si Venezuela President Nicolas Maduro, sinasabi ni Trump na hawak na nito ang gobyernong Venezuela.

Subalit lumilitaw na higit na nakararaming Venezuelan ang lumalaban sa mga Amerikano at nagsasagawa na ang mga armadong sibilyan, sundalo at pulis ng pagsuyod sa sinomang Amerikano sa nasabing bansa sa iba’t ibang lugar.

Kaya naman, pinabibilis na ng US ang pag-alis ng lahat ng mga Amerikano sa Venezuela upang makaiwas sa mga pagpatay, pambibilanggo at iba pang gawaing anti-American.

Nasa 74 Pinoy umano ang nakatira sa Venezuela.

US-ICE PUMAPATAY NA

Sa Amerika naman na gustong magpalayas ng nasa 12 milyong dayuhan ang gobyernong Trump, kasama ang nasa 300,000 Pinoy, lumilitaw na ang pagpatay ng US Immigration and Customs Enforcement agents sa ilan nilang target na hulihin o hinuhuli at kasama rito ang huling namatay na si Renee Nicole Good sa Minnesota.

May 30 na rin umanong namatay sa detention center ng ICE sa iba’t ibang lugar sa US, kabilang ang 5 Asian-American.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here