Home NATIONWIDE Traslacion planong repasuhin ng simbahan, pulisya

Traslacion planong repasuhin ng simbahan, pulisya

219
0

MANILA, Philippines – Sa isinagawang selebrasyon ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon, iniulat ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno ang apat na namatay, tatlo sa iniulat ay mga deboto na sumama sa mismong Traslacion, at mahigit isang libo ang nasugatan at binigyan ng paunang lunas dahil sa pagod at siksikan ng tao.

Ipinahayag ng simbahan at pulisya ang planong repasuhin ang Traslacion sa mga susunod na taon, kabilang ang disenyo ng andas at ruta ng prusisyon, upang masiguro ang kaligtasan ng mga deboto.

Ayon kay NCRPO spokesperson Police Major Hazel Asilo ang istruktura ng andas ay isa sa mga salik na nakakaapekto sa paggalaw ng prusisyon at kaligtasan ng mga tao.

“Bukod sa may nag-aabang ng crowd, may mga instances na nabalahaw doon siya sa gilid, hindi siya agad makaalis so nakikita namin isa sa reason is structure nung ating andas which is from 3 gulong naging 4, imagine mas mahirap imaniobra ‘yung 4 na gulong,” aniya.

Sinabi naman ni Fr. Arellano na sisimulan ng simbahan ang sarili nitong proseso ng pagsusuri sa Traslacion.

“Para magkaroon kami ng assessment ‘yong sa mga areas that we need to improve, ‘yong mga areas na dapat naming baguhin, mga areas na dapat nating patatagin,” aniya.

Habang ang mga sakripisyo at debosyon ay nananatiling sentro sa taunang Traslacion, binigyang-diin ng mga opisyal ng simbahan na ang mga deboto ay dapat ding matutong kilalanin ang mga limitasyon ng kanilang pananampalataya at pisikal na kapasidad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here