Home METRO Binaliw landfill sa Cebu, ipinasara ng DENR

Binaliw landfill sa Cebu, ipinasara ng DENR

268
0

CEBU, Philippines – Iniutos ng Department of Environment and Natural Resources Central Visayas (DENR-7) ang agarang pagsasara ng Binaliw sanitary landfill sa Cebu City matapos ang landslide noong Enero 8, 2026 na ikinasawi ng ilang manggagawa.

Ang Prime Integrated Waste Solutions, Inc. (PIWSI), operator ng landfill, ay pinag-utosang huminto sa lahat ng operasyon, kabilang ang pagtanggap ng basura, ngunit pinapayagan ang rescue, retrieval, at cleanup activities.

Ayon sa DENR-7, magsasagawa ng impartial at thorough investigation upang matukoy ang pananagutan sa insidente. Inatasan ang PIWSI na magsumite ng ulat at compliance plan sa loob ng 90 araw.

Hanggang Enero 12, umakyat sa 10 ang patay, habang 26 ang nawawala at patuloy ang paghahanap. May 18 na sugatan na ginagamot sa North General Hospital at VisayasMed Hospital.

Ang cease-and-desist order ay nakabatay sa EMB Memorandum Circular 2007-002, na nagbibigay kapangyarihan sa Regional Director ng EMB na suspindihin ang operasyon sa kaso ng imminent at grave environmental harm. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here