MANILA, Philippines – Magtatayo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng lima bagong regional Bahay Pag-Asa (BPA) para sa children in conflict with the law (CICLs) ngayong taon.
Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, P275 milyon ang inilaan sa 2026 budget para sa konstruksyon ng mga bagong BPA.
Sa ngayon, may 118 operational BPAs sa buong bansa ayon sa Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC).
Ani Gatchalian, ang konstruksyon ng lima bagong regional BPAs ay multi-year commitment at makakatulong sa pagtupad sa 50-taong obligasyon ng Presidential Decree 603 para sa rehabilitasyon ng mga CICLs.
“Kasi alam natin na how many years after the law, almost 50 years after the law, kulang pa rin ang mga Bahay Pag-Asa nationwide. So for us to fulfill the restorative justice provision ng batas, kailangan na the national government will take the lead in building these Bahay Pag-Asa,” sabi ni Gatchalian.
Ang pagtatayo ng BPAs ay nakasaad rin sa Section 51 ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act.
Kasalukuyang pinapatakbo ang mga BPA ng LGUs at accredited NGOs, na nagbibigay ng agarang pangangalaga at pansamantalang tirahan sa mga kabataang nasa kaso habang hinihintay ang desisyon ng korte.
“We’ve seen na hirap na hirap ‘yung ating mga LGUs because of limited fiscal capacity sa side nila. So ngayon, papasok na ang national government by piloting five regional Bahay Pag-Asa,” dagdag pa niya. RNT/MND