MANILA, Philippines – Pinagaan ng Korte Suprema ang proseso ng pagkilala ng foreign divorce sa Pilipinas.
Sa pag-amyenda sa Rules of Court, sapat na ang pruweba na naganap ang diborsyo.
Kailangan na lamang na patunayan na totoo at valid ang diborsyo na naganap sa ibang bansa.
Gayunman, nilinaw ng SC na kailangan pa ring dumaan sa Korte at sumunod sa Article 26 (2) ng family Code bago tuluyang kilalanin ang diborsyo.
Layon ng SC na alisin ang pabigat sa mga Pilipinong matagal nang hiwalay sa papel sa ibang bansa at gawing mas madali para sa mga Pilipino ang proseso ng pagkilala sa kanilang foreign divorce. Jocelyn Tabangcura-Domenden