MANILA, Philippines – Nagiging mailap ang mga jackpot ng major lotto draws matapos wala na namang manalo sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes, Oktubre 8.
Ito ay matapos walang makahula ng winning combination na 19-01-20-39-23-11 para sa Lotto 6/42 prize na P85,479,191.72.
Wala ring nakahula ng winning numbers na 41-19-04-01-12-22 para sa jackpot ng Superlotto 6/49 na P40,173,383.54. RNT/JGC