Home NATIONWIDE 2 opisyal ng BFP sinibak sa overpriced fire extinguishers

2 opisyal ng BFP sinibak sa overpriced fire extinguishers

219
0

MANILA, Philippines – Sinibak ang dalawang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa umano’y pagtanggap ng kickbacks mula sa overpriced fire extinguishers.

Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nakalikom sila ng P30 milyon mula sa isang gusali lamang.

“Parang yung inspector at yung supplier ay magkamag-anak. Tapos pinilit nila ‘yung building na dun lang kukuha. Overpriced siya by 100%. ‘Yun ang pinaghahati-hatian nila diyan sa taas. Bago pa man nangyari ay natigil na natin pero ‘yung attempt ay nandoon na,” ani Remulla.

Ang mga opisyal ay mula sa BFP-Quezon City at BFP-NCR, at isinailalim sa administrative relief para hindi makaapekto sa imbestigasyon.

Ayon kay Remulla, sistemiko ang korapsyon sa BFP, mula sa inspector hanggang sa pinakamataas na opisyal, at marami pang kaso ang iniimbestigahan.

“It is corruption at its worst, kasi ayan naging systemic na. Mula inspector hanggang chief ng BFP kasama lahat. Sumisipa sila pataas,” dagdag niya.

Pinayuhan ng BFP ang publiko na i-report agad ang anumang kahalintulad na insidente sa kanilang tanggapan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here