Home HOME BANNER STORY Usec. Castro nangamba sa buhay, nagpa-NBI

Usec. Castro nangamba sa buhay, nagpa-NBI

273
0

MANILA, Philippines – Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Communications Usec. Claire Castro para idulog ang umano’y natatanggap niyang pagbabanta sa kanyang  buhay mula sa isang post sa Facebook.

Tinutukoy ni Castro ang social media post nina Luminous by Trixie Cruz-Angeles at Ahmed Paglinawan, noong Enero 2, 2026.

“Of course, natakot ka, ‘di ka naman sanay sa death threats. Pero kasi, sabihin na appendix mo lang, walang latay, ibang usapin ‘yon. Meron itong pagbabanta sa iyong buhay. So iyon ang naramdaman ko. At hanggang ngayon, iyon pa rin ang nararamdaman ko,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na dumulog siya sa NBI para kung sakaling may mangyari sa kanya, may rekord na ang NBI kaugnay sa pagbabanta sa kanya.

Wala naman aniyang planong maghain ng pormal na reklamo.

“Kung sinasabi nilang may freedom of expression sila, lahat naman tayo dito dapat ma-exercise ang ating freedom of expression. Hindi kailangan, kung ikaw man ay nago-oppose sa sinabi ng isang tao, magbabanta ka na sa buhay niya,” dagdag ni Castro.

Giit ng undersecretary, hindi nadadaan ang anumang diskurso sa pagbabanta sa buhay at ito aniya ay itinuturing na bayolente.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here