Home NATIONWIDE Online love scam gamit pangalan ng BI, ibinabala

Online love scam gamit pangalan ng BI, ibinabala

237
0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko laban sa mga online love scam na gumagamit ng pangalan at awtoridad nito para linlangin ang biktima.

Kasunod ito ng ulat mula sa isang babae na nakatanggap ng email na umano’y mula sa opisyal ng imigrasyon, na nagsasabing isang parcel mula sa kanyang foreign boyfriend ang “na-intercept” ng “Bureau of Immigration under the Ministry of Interior” at kailangan bayaran para ma-release.

Sinabi ng BI na peke ang email at hindi ito tumatakbo sa ilalim ng “Ministry of Interior,” hindi nag-iintercept ng parcels, at hindi nangongolekta ng bayad para sa mga padala.

Inendorso ng ahensya ang kaso sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at sa NBI Cybercrime Division para sa imbestigasyon.

“Pinapaalalahanan ang publiko na ang mandato ng BI ay limitado sa immigration control at border management, at hindi sa paghawak o clearance ng mga parcels,” anang BI.

Pinayuhan ang publiko na beripikahin ang mga kahina-hinalang mensahe sa kaukulang ahensya at huwag magpadala ng pera o personal na impormasyon sa mga estranghero. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here