Home METRO Comelec magsasagawa ng special election sa Antipolo

Comelec magsasagawa ng special election sa Antipolo

280
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng special election sa ikalawang congressional district ng Antipolo City kasunod ng pagpanaw ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop noong Disyembre, ayon sa Commission on Elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na ang special election ay layon na ampunan ang pwesto na na bakante ni Acop at target itong gawin sa Marso 14,2026.

Nauna nang sinabi ng kanyang political party ang National Unity Party (NUP) na ang Comelec ay inatasan ng batas na magdaos ng isang espesyal na halalan upang punan ang kanyang puwesto sa Kamara.

Ito ay isasagawa pagkatapos ideklara naman ng Kongreso ang nabankanteng pwesto ng miyembro nito at manawagan ng pagsasagawa ng special elections bago isagawa ang botohan.

Samantala, nagsumite ang Comelec ng liham sa Office of the President (OP) na humihiling ng tulong sa budget na kailangan para sa special election.

Tinatayang P98 milyon na budget ang kakailanganin para maisagawa ang botohan, na isasagawa sa pamamagitan ng manual election.

Sinabi ng Comelec na 713 election precincts ang kailangan para matugunan ang humigit-kumulang 300,000 na botante sa distrito, na sinabi ng poll body na may pinakamalaking populasyon ng pagboto sa mga distrito ng kongreso sa buong bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here