Manila, Philippines – Para lalo pang madagdagan ang overall gross take ng 51st Metro Manila Film Festival, in-extend hanggang January 14 ang showing ng walong official entries.
Umabot sa P582, 450M ang gross take as of January 5.
Nananatiling nangunguna pa rin ang Call Me Mother na sumampa na ng P314, 700M ang kinita.
Narito ang pagkakasunud-sunod ng ibang entries na wala pa sa break even, meaning, hindi pa nasambot ng mga ito ang puhunan.
Kumita lang ang star-studded na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ng P107, 390M.
Back to being third spot ang Unmarry na naka-gross ng P47, 290M.
Nasa ikaapat na puwesto naman ang Bar Boys: After School na kumita ng P46, 320M.
Ikalima naman ang Love You So Bad na may P23, 650M ang gross.
Number 6 ang l’m Perfect with P22, 410M.
Malaki pa ang hahabuling kita ng Manila’s Finest with P16, 400M sa taas ng production cost.
Steady lang ang Rekonek sa ikawalong slot with P4, 890M lang ang kinita.
Ang tanong–may pera pa bang pampanood ng sine ang tao?