MANILA, Philippines – Bahagyang kumonti ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nagugutom kagutuman noong Nobyembre 2025 kumpara noong Setyembre, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Natuklasan sa survey na 20.1% ng mga pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger—pagkagutom kahit walang makain—minsan man lang sa nakalipas na tatlong buwan, mas mababa sa 22% noong Setyembre. Ang rate noong Hunyo 2025 ay 16.1%.
Isinagawa ang survey mula Nobyembre 24 hanggang 30, 2025, sa 1,200 matatanda sa buong bansa. Bumaba ang kagutuman sa Balance Luzon at Metro Manila ngunit tumaas sa Mindanao at Visayas.
Pinakamataas ang antas ng kagutuman sa Mindanao na 26.7%, kasunod ang Metro Manila at Visayas na parehong 20.3%, at Balance Luzon na 16.7%.
Sa 20.1% ng mga nakaranas ng kagutuman, 15.6% ay moderate hunger at 4.5% severe hunger. Ang moderate hunger ay tumutukoy sa “Only Once” o “A Few Times” sa tatlong buwan, habang ang severe hunger ay “Often” o “Always.”
Natuklasan din sa survey na 51% ng mga pamilya ang nagpakilala bilang mahirap, 12% borderline, at 37% hindi mahirap.
Sa aspeto ng food poverty, 40% ang self-rated food-poor, 11% borderline, at 49% hindi food-poor.
Ayon sa SWS, mas mataas ang kagutuman sa mga mahirap at food-poor, ngunit bumaba rin ang rate sa mga non-poor—from 17% to 13% sa kabuuang kagutuman mula Setyembre hanggang Nobyembre. Sa food-poor, bumaba ang kagutuman mula 31.5% hanggang 30.4%. Santi Celario